Ano Ba Talaga Ang Stock Market?
Mahilig tayo manood ng balita sa TV, pero kapag napupunta na sa business news
ang balita at pinaguusapan na ang stock market, nililipat na natin ang channel kasi
wala tayong maintindihan sa mga pinagsasabi ng reporter, at kung ano ba yung
mga numerong umaandar na may iba’t ibang kulay.
Ano Ba Ang Stock Market?
The stock market is a place…
Ang stock market ay isang palengke na medyo sosyal. At gaya ng isang palengke,
may mga tindero’t tindera rin dito. Pero imbes na karne, gulay, isda, at prutas ang
paninda nila, ang mabibili mo dito ay ang tinatawag na stocks.
Dito sa atin, ang Philippine Stock Market ay matatagpuan sa Philippine Stock
Exchange o PSE sa Ortigas at sa Makati. Dati, ang stock market ay para talagang
palengke kasi nagsisigawan ang mga tao at kailangan nilang gumamit ng mga hand
signals para magkaintindihan sila sa gitna ng mga sigawan. Pero computerized na
sila ngayon kaya wala nang sigawan.
Ang PSE ay nagbubukas ng 9:30 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, at
magpapatuloy ito mula 1:30 hanggang 3:30 ng hapon.
…where shares of stock…
Ang stock ay isang bahagi ng pagmamay-ari o ownership sa isang kumpanya. Isa
lang ang ibig sabihin ng stock, share, or shares of stock. Kapag ikaw ay bumili ng
stocks sa isang kumpanya, ikaw ay magiging isa sa mga may-ari nito. Ang tawag
sa’yo ngayon ay isang stockholder o shareholder. At bilang isa sa mga may-ari, ikaw
ay makakakuha ng dividend o bahagi ng kita ng kumpanya. Naipaliwanag ko dito
ang stocks bilang isa sa mga investment vehicles.
…of publicly-listed companies are bought and sold.
Ang mga publicly-listed na mga kumpanya lang ang pwedeng magbenta ng
stocks. Para maging “public” ang isang kumpanya, kailangan nitong mag apply sa
Philippine Stock Exchange. Ang PSE ang responsable sa screening ng kumpanya
para matiyak na ito ay legal, may track record ng negosyo, at hindi bigla biglang
mawawala. Sa ngayon, meron nang 288 na mga kumpanya ang nasa listahan ng PSE
at dumadami ito bawat taon. Makikita mo ang listahang ito dito.
So, kapag may mabasa ka o marining na, “Company ABC goes public”, ang ibig
sabihin nito ay nagbebenta na sila ng shares sa publiko. But why do companies go
public? Well, para magkaroon sila ng dagdag na puhunan para matugunan ang
kanilang paglaki. Ang isang kumpanya na lumalaki ay lumalaki din ang gastos.
Pwede silang mangutang sa bangko o kaya ay mag issue ng bonds (tinalakay ko ang
bonds dito). Yun nga lang, madadagdagan ang gastusin nila dahil sa interest ng
inutang nila. Para maiwasan nilang magkautang, maghahanap sila ngayon ng mga
investors sa pamamagitan ng pagbebenta ng stocks.
Paano gumagana ang Stock Market?

Ang tawag naman sa mga tindero’t tindera ng stocks ay brokers o stockbrokers. Sila
lang ang binigyan ng authority ng PSE para bumili at magbenta ng mga shares of
stocks sa mga investors na katulad natin. Sa kanila lang tayo pwedeng bumili. May
ilang kumpanya na binibigyan ang kanilang mga empleyado ng stock options bilang
isa sa mga benefits nito, pero sa pangkalahatan, pwede ka lang bumili at magbenta
ng stocks sa isang broker.
May dalawang klase ng brokers: ang live broker at ang online broker.
Live Broker
Ang live broker ay isang licensed professional na hahawak sa ‘yong mga stocks. S’ya
ang tatawagan mo kapag may gusto kang bilhin o ibentang stocks.
Pro:
Pwede ka n’yang mabigyan ng payo tungkol sa iyong investment.
Cons:
Mas mataas ang transaction fees — up to 5% — dahil kasama dito ang
komisyon.
At dahil may komisyon, meron itong minimum na investment requirement na
pwedeng umabot sa ilang milyong piso.
Online Broker
Sa online broker naman, ikaw mismo ang bibili at magbebenta ng iyong mga stocks
sa pamamagitan ng computer na may internet access.
Pros:
Sobrang baba ng transaction fees — for as low as 0.25%.
Pwede ka nang mag invest sa halagang P5,000.
Meron silang samut-saring mga reports at mga information sa bawat publiclylisted
companies na makakatulong sa iyong desisyon kung saang mga
kumpanya ka mag i-invest.
Con:
Ikaw mismo ang bibili o magbebenta ng iyong mga stocks, so kailangan mong
mag aral ng kaunti.
Maraming online broker dito sa Pilipinas pero para sa akin, ang CitisecOnline ang
the best. Sila kasi ang pinakamalaking online broker ngayon sa buong bansa.
Marami silang mga research, reports, at mga information sa bawat kumpanya.
Meron silang listahan ng mga kumpanyang nire-recommend nila para sa ating mga
long-term investors. Meron din silang mga libreng seminar bawat linggo sa Ortigas
kung paano mag invest sa stock market. Pwede mo rin silang imbitahan sa inyong
probinsya para mag conduct ng seminar doon. But wait, there’s more! Ang
CitisecOnline ay isa ring publicly-listed company, kaya pwede ka ring bumili ng
stocks nila.
Paano Ka Kikita Sa Stock Market?
Bilang isang long-term investor, may dalawang paraan para ikaw ay kumita sa stock
market. Ito ay ang mga sumusunod:
Dividends
Kagaya ng nabanggit ko sa itaas, ang dividend ay kita ng isang kumpanya na
ipinamamahagi sa mga stockholders. Dahil sa dividend, ang iyong investment sa
stock market ay maituturing na isang passive income (tinalakay ko ang passive
income dito). Your money grows without you doing anything! Ang galing ‘di ba?
Capital Gains
Kapag ang isang kumpanya ay lumalaki, ang presyo ng bawat share nito ay
tumataas din.
Halimbawa:
Noong 2003, bumili si Juan ng 50 stocks sa Jollibee. Noong
time na ‘yon ang presyo bawat share ay nasa P20. So ang
total investment ni Juan ay:
50 stocks x P20 = P1,000
Dahil patuloy sa paglaki ang Jollibee, ang presyo ngayon
ng bawat share nila ay umabot na sa P140 (as of June, 2013). Kung ibebenta ni Juan
ang lahat ng share nya sa Jollibee, ang makukuha n’ya ngayon ay:
50 stocks x P140 = P7,000
Kumita s’ya ng anim na libo. At take note, hindi pa kasama d’yan ang dividend at
ang Compound Annual Growth Rate (may example ako ng CAGR dito) sa kanyang
investment na P1,000!
Hindi Ba Delikado Ang Stock Market?
“Nilagay mo sa stock market ang pera mo? Maraming natatakot mag invest sa stock
market.
“80% of stock market players lose their money.”
Maraming tao ang namulubi dahil sa stock market. Hindi lang ilang milyong piso
kundi bilyon ang nawala sa kanila. Alam n’yo ba kung bakit? Because they are
trading at the stock market, not investing in the stock market. Malaki ang pagkakaiba
ng dalawa!
Trader
Ang isang trader ay bumibili ng mga stocks at pagkatapos ay ibebenta ang mga ito
sa loob lamang ng isa or ilang araw. Nakabantay sila lagi sa fluctuation o pagbaba at
pagtaas ng presyo ng bawat stocks. Kapag bumaba ang presyo, bibili sila. Kapag
tumaas, magbebenta sila. Ang trading sa stock market ay parang sugal. Kung wala
kang alam tungkol sa technical analysis, fundamental analysis, indicators, at kung
anek anek pa, para mo na ring ipinamigay ang pera mo sa stock market. Pero kung
ikaw ay may alam at magaling sa mga ito, may posibilidad na ikaw ay maka-jackpot.
Investor
Ang isang investor ay bumibili ng mga stocks at ibebenta lamang ito pagkalipas ng 5
hanggang 20 taon. Minsan, mas matagal pa doon! Dito tayo nabibilang. Tayo ay mga
long-term investors. Bumaba man o tumaas ang presyo sa stock market, wala
tayong pakialam. Deadma. Si Warren Buffet — the richest man the stock market has
ever made — ay isa ring long-term investor.
Lahat naman ng klase ng investment ay may kaakibat na risk. Gaano ito kalaki o
kaliit ay depende sa kaalaman mo sa iyong piniling investment. Kung wala kang
alam sa pinasok mo, malaki ang risk. Kung may sapat kang kaalaman sa pinasok
mo, mas kaunti ang risk. Pagdating sa stock market, bawal ang pacham (patsambatsamba)
at walang beginner’s luck.
Portfolio

Ang portfolio ay ang listahan ng mga binili mong stocks. Ang nasa itaas ay ang aking
portfolio noong nagsisimula pa lang ako. Makikita mo dito ang presyo ng stock sa
araw na ‘yon (Market Price), kung ilan ang stocks na meron ka sa bawat companya
(Total Shares), ang iyong paper gain at paper loss (Gain/Loss), at iba pa.
Ipapaliwanag ko ang mga ito ng mas detalyado in the future.
Paper Loss
Ang “paper loss” ay nangyayari kapag ang kasalukuyang presyo ng isang stock ay
bumaba sa presyo ng pagkabili mo dito. Kung titingnan mo ang portfolio ko sa itaas,
meron akong paper loss sa Lafarge at Megaworld.
Noong bumili ako sa Lafarge, ang presyo ng stock nila ay nasa P11.01 (Average Price)
pero ang presyo nito (Market Price) sa kasalukuyan ay nasa P10.90.
Hangga’t hindi ko ipagbili ang stocks ko sa Lafarge, ang pagkalugi ko ay nasa
“papel” lang. Magiging totoong lugi lamang ito kapag ito ay ipinagbili ko na.
Ang paper gain naman ay ang kabaligtaran ng paper loss. Magiging actual na kita
lamang ito kapag ipinagbili na ang stocks.
PSE Index o PSEi

Ang Philippine Stock Exchange Index o PSEi ay ang pangkalahatang indikasyon sa
“kalusugan” ng Philippine stock market. Sinusukat nito ang overall performance ng
mga publicly-listed companies sa iba’t ibang industriya. Ginagamit din ito bilang isa
sa mga indikasyon sa pangkalahatang estado ng ekonomiya ng Pilipinas.
Kapag mataas ang PSEi, malakas ang merkado sa pangkalahatan. Ibig sabihin,
paakyat ang presyo ng mga stocks. At kapag paakyat ang presyo, tiba tiba tayong
mga long-term investors.
Kapag mababa naman ang PSEi, mahina ang merkado sa pangkalahatan. Ibig
sabihin, pababa ang presyo ng mga stocks. At kapag mababa ang presyo, masaya pa
rin tayo dahil mas maraming mabibiling stocks ang ating kaperahan. SALE! ‘ika nga.
Board Lot
Ito ay ang minimum na bilang ng shares na pwedeng mabili ng isang investor. Ang
isang board lot ay karaniwang binubuo ng 100 shares, pero may mga kumpanya na
may 5, 50 o 1,000 stocks sa isang board lot. Usually, ito ay nasa multiple of 5 or 10.
Ang board lot ay ginawang standard para maiwasan ang “odd lot” at para maging
mas mabilis at madali ang pagbebenta ng mga stocks. Mas madaling hanapan ng
buyer ang ipinagbibiling 100 shares kesa sa 17 shares.
Odd Lot
Kapag ang share ay mas mababa sa isang board lot, ang tawag dito ay odd lot. Ang
isang investor na gustong mag invest sa isang kumpanya pero hindi nya kaya ang
presyo ng isang board lot, ay pwedeng bumili ng shares sa pamamagitan ng odd lot.
May mga kumpanya din na nagbibigay ng dividend in the form of stocks kaya ang
portfolio ng isang shareholder ay pwedeng maging uneven at ito ay nagiging odd
lot.
Kung ipagbibili mo ang iyong shares bilang odd lot, medyo mas mataas ang
transaction fee nito kumpara sa board lot.
Ticker

Ang ticker ay ang madalas na nakikita natin sa ibaba ng TV screen kapag nanonood
tayo ng business news. Ito yung umaandar na mga letters at numbers na may iba’t
ibang kulay. Ipinapakita dito ang kasalukuyang presyo at performance ng mga
publicly-listed companies.
Ang sumusunod ay mga bagay na karaniwang nakikita sa isang ticker:
Ticker Symbol
Ito ang simbolo ng stock. Binubuo ito ng isa hanggang apat na letra. Ang ilan sa mga
kilalang ticker symbol ay:
BDO – Banco De Oro Unibank, Inc.
JFC – Jollibee Foods Corporation
TEL – Philippine Long Distance Telephone Company (PLDT)
MER – Manila Electric Company (MERALCO)
Traded Quantity
Ito ay ang dami ng stocks na binili at ipinagbili sa loob ng isang trading day. Sa
sample ticker na nasa itaas, ang traded quantity ay nasa gitnang row katabi ng net
price change.
Net Price Change
Ang net price change ay ang pinagbago ng presyo ng stock mula kahapon
(yesterday’s closing) hanggang ngayon. Ang net price change ay pwedeng ipakita in
peso or in percent.
Kalimitan, ito ay may kasamang arrow:
Up arrow – tumaas ang presyo ng stock mula kahapon
Down arrow – bumaba ang presyo mula kahapon
Sideways arrow – walang pinagbago sa presyo
at minsan naman ay kulay:
Green – tumaas ang presyo ng stock mula kahapon
Red – bumaba ang presyo mula kahapon
Blue – walang pinagbago sa presyo
Stock Price
Ito ang kasalukuyang presyo ng isang stock. Kung titingnan mo ang sample ticker sa
itaas, ito yung nasa ibabang numero.

No comments:
Post a Comment